Tulong at Suporta

May tanong o may problema? Mag-email sa support@kitamo.online. Sagutin namin sa loob ng ilang araw ng trabaho.

Kapag nag-email ka tungkol sa isang benta, isama ang resibo number (hal. KTM-20260919-XXXXXXXX). Huwag mong ilagay ang password mo sa email — hindi ito hihingin ninuman sa KitaMo.

Mga madalas itanong

Namali ako ng benta. Paano ko babawiin?

Buksan ang benta sa listahan sa Kita, tapos pindutin ang Bawiin ang benta. Babalik ang stock at hindi na ito bibilangin sa tubo.

Bakit mataas ang tubo ko kaysa sa inaasahan?

Malamang may panindang walang nakalagay na puhunan. Kapag walang puhunan, mukhang tubo ang buong presyo. May babala sa Kita kapag nangyari ito — pindutin ang Ayusin at lagyan ng puhunan ang paninda.

Bakit hindi ko madagdag sa cart?

Ubos na ang stock, o naabot mo na ang bilang na meron ka. Idagdag muna ang stock sa Paninda.

Nawala ang internet habang nagbebenta.

Nananatili ang cart mo sa browser. Kapag bumalik ang internet, pindutin ulit ang Tapos — isang benta lang ang maitatala kahit paulit-ulit mong pindutin.

Paano ko buburahin ang account ko?

Nasa Akin sa loob ng app, o sa pahinang ito.

Huling binago: 19 Setyembre 2026